Bukod sa pagsibak sa mga nagkasalang presidential appointees, tinatarget din ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga kurakot na opisyal ng pamahalaan.

Nangako ang Pangulo na dadalhin ang anti-corruption crackdown hanggang sa lokal na pamahalaan sa pagpupulong ng Gabinete sa Malacañang nitong Lunes.

“The President stated that he will continue with the process of cleansing the bureaucracy,” sabi ni Presidential spokesman Harry Roque sa news conference sa Palasyo. “He will now turn more of his attention to local government units including the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” dugtong niya.

Nang tanungin kung nakatanggap ba ang Pangulo ng mga bagong reklamo laban sa ilang lokal na pamahalaan na nag-udyok sa anti-corruption purge, sinabi ni Roque: “None but he just said that he will also focus not just on presidential appointees but also on local government officials including the ARMM.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Roque na pursigido ang Pangulo na linisin ang bureaucracy kahit na hindi pa nito naitatalaga ang mga bubuo sa Presidential Anti-Corruption Commission.

Ang komisyon, nilikha sa bisa ng Executive Order No. 43 nitong Oktubre, ay inaatasang direktang tulungan ang Pangulo sa pag-iimbestiga/o pagdinig sa mga kasong administratibo lalo na ang may kaugnayan sa graft and corruption laban sa lahat ng presidential appointees. - Genalyn D. Kabiling