SYDNEY (AP) — Naitala ni dating world No. 1 Angelique Kerber ang ikaanim na sunod na panalo ngayong season nang magapi si second-seeded Venus Williams 5-7, 6-3, 6-1 nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Naantala man ang aksiyon sa Sydney International bunsod nang mahigit dalawang oras na pagkulog at pagkidlat, nanindigan si Kerber para malusutan ang matikas na karibal. Nauna rito, nanganilangan ang world No.22 na ma-saved ang dalawang match points para maungusan si Lucie Safarova sa tatlong sets nitong Lunes. Nagwagi siya ng apat na sunod na singles match sa Hopman Cup sa nakalipas na linggo.

Sumabak si Williams sa Sydney sa unang pagkakataon mula nang masungkit ang gintong medalya sa 2000 Olympics.

“I say goodbye to 2017 and I’m really happy that the new year’s beginning,” pahayag ni Kerber.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umusad din ang dating kampeon na si Agnieszka Radwanska nang gapiin si Johanna Konta, 6-3, 7-5. Ito ang unang laban ng fourth-seeded na si Konta matapos umatras sa Brisbane International quarterfinal bunsod ng hip injury.

Nagwagi naman si dating U.S. Open champion Samantha Stosur kontra Carina Witthoeft, 4-6, 7-5, 6-3.

Sa men’s first-round play, patuloy ang pangugulat ni Australian teenager Alex De Minaur nang patalsikin si Fernando Verdasco, 6-4, 6-2. Nakausad siya sa semifinal sa Brisbane International sa nakalipas na weekend, kabilang ang second-round upset win kontra 2016 champion Milos Raonic, 6-4, 6-2.