Positibo ang mas maraming Pilipino na gaganda na ang kanilang buhay sa taong ito, tumuntong sa pinakamataas na antas sa unang pagkakataon simula noong Hunyo 2016, ipinakita sa resulta ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Natuklasan sa nationwide survey na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16 sa 1,200 respondents na 49 porsiyento ng mga Pilipino ang umaasang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, habang tatlong porsiyento (3%) lamang ang sa pakiwari ay mas maghihirap pa sila.

Ito ay katumbas ng record-high net personal optimism na “excellent” +46 (percentage ng mga umaasang gaganda ang kanilang buhay kumpara sa mga hindi na umaasa).

Mas mataas ito ng apat na puntos sa “excellent” +42 (47% na umaasa sa magandang buhay, 4% na umaasang lalala pa) noong Setyembre 2017, at pumantay sa record-high level na unang natamo noong Hunyo 2016.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinansin ng SWS na ang net personal optimism ay naging excellent (+40 pataas) sa nakalipas na dalawang taon, maliban noong Marso 2017 na nasa “very high” +36.

Iniugnay ang apat na puntos na pagtaas sa net personal optimism sa buong bansa sa pagtaas sa iba pang bahagi ng Luzon at Mindanao, kasama ang matatag na score sa Visayas, at pagbaba sa Metro Manila, mula Setyembre 2017 hanggang Disyembre 2017. - Ellalyn De Vera-Ruiz