Nanaig ang botong “yes” kontra “no” sa plebisito sa Navotas City noong Enero 5, para magdagdag ng apat na barangay sa lungsod.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, pabor ang mayorya ng mga residente na hatiin ang mga Barangay North Bay Boulevard South, Tangos at Tanza.

Sa Bgy. NBBS, 6,676 ang bumoto ng “yes” at 1,633 ang “no”. Sa Bgy. Tangos, 4,315 ang pumabor at 455 ang kumontra, habang sa Bgy. Tanza, 2,279 ang pumayag at 655 ang tumutol.

Resulta nito, mula sa 14 na barangay ay magiging 18 barangay na ang Navotas. Hahatiin sa tatlo ang Bgy. North Bay Boulevard South, hahatiin naman sa dalawa ang Bgy. Tanza at Bgy. Tangos.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pupunuan ang posisyon ng mga bagong likhang barangay sa barangay elections sa Mayo. - Orly L. Barcala