Kinasuhan ang Japanese billionaire na si Kazuo Okada dahil sa umano’y pagkubra ng mahigit $3 million sa dati niyang kumpanya na nag-o-operate ng Okada Manila resort hotel and casino.

Matapos siyang tanggalin bilang chief executive officer noong Hunyo, nagsampa ng kasong estafa ang Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI), na nag-o-operate sa Okada Manila, sa Department of Justice (DoJ) prosecutor’s office sa Parañaque City.

Sa inihaing reklamo, inakusahan ng TRLEI si Okada na tumanggap ng $3,158,835.62 bilang suweldo at consultancy fee noong siya pa ang chairman nito mula Abril hanggang Mayo 2017.

Gayunman, sinabi ng kumpanya na ang pondo ay inilabas sa pamamagitan ni TRLEI president at chief operating officer Takahiro Usui na “no Board resolution, approving or authorizing the payment of (such) astronomical sums to Mr. Okada, whether as consultancy fee or salary.” Tinanggal din si Usui noong Hunyo kasabay ni Okada.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It is clear that (these) amounts received by Mr. Okada were unlawfully disbursed as these were not authorized or approved by TRLEI Board of Directors,” ayon sa complainant.

Kahit obligado si Okada na ibalik ang pera, sinabi ng complainant na sina Okada at Usui “upon demand, failed to account for and return the US$3,158,835.62.”

“It is ingrained in jurisprudence that the failure to account for or return upon demand the money or property held in trust created a legal presumption of misappropriation,” ayon sa complainant. - Jeffrey G. Damicog