Ni Fer Taboy

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 11 ang nasawi at dalawa ang malubhang nasugatan makaraang magkasagupa ang militar at ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Kobintog sa Datu Unsay, Maguindanao.

Ayon sa report ng 601st Brigade ng Philippine Army (PA), 10 tauhan ng BIFF ang nasawi at kinilalang sina Buna Awba, Mando Guiamal, Mokamad Sagkupan, Roy Alik, isang alyas “Salah”, Abu Omar, Magui Datem, Mhads Mangibra, Aladin Rajah Pandalat, at Fahad Tungao.

Isa ring sundalo ang kumpirmadong nasawi sa bakbakan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sugatan naman ang dalawang terorista na kinilalang sina Daryl Mando at Theng Mando, at isang sundalo na hindi pinangalanan ng militar.

Narekober ng militar mula sa mga napatay ang matataas na uri ng armas at mga improvised explosive device (IED).

Nabatid sa ulat na tumagal ng mahigit isang oras ang engkuwentro ng militar at BIFF hanggang sa tumakas ang mga terorista nang bombahin sila ng dalawang Agusta 109 attack helicopter gunship ng Philippine Air Force (PAF), na sinabayan ng at mortar shelling ng Hukbong Katihan.