Nina LESLIE ANN AQUINO at MARY ANN SANTIAGO, at ulat nina Ellalyn de Vera at Bella Gamotea

Sa gitna ng pabagu-bagong panahon at kasunod ng napaulat na malaki ang posibilidad na umulan sa Maynila ngayong hapon hanggang gabi, pinagawaan ng sariling kapote ang Mahal na Poong Nazareno para sa maghapong Traslacion ngayong Martes.

Thousands of devotees line up at the Quirino grandstand to get a chance to at least touch and kiss the foot of the Nazareno during the Pahalik, prior to the Translacion on tuesday.(Photo by ali vicoy)
Thousands of devotees line up at the Quirino grandstand to get a chance to at least touch and kiss the foot of the Nazareno during the Pahalik, prior to the Translacion on tuesday.(Photo by ali vicoy)

Ang espesyal na kapote at ipinasadya para sa imahen ng Nazareno ngayong taon sakaling umulan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Rain or shine the procession will push through,” sinabi kahapon ni Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church. “His raincoat is ready (sakaling umulan). It was specially made for Him.”

Aniya, transparent ang kapote upang masilayan pa rin ng mga deboto ang imahen sakaling kailanganin itong lagyan ng kapote kapag umulan.

Gayunman, sinabi ni Badong na hindi inulan ang Traslacion sa nakalipas na tatlong taon.

“In the past, when there is rain the image is just being wrapped in plastic so it’s not presentable,” ani Badong.

“It’s only this year that we thought of giving Him a raincoat because the Nazareno is also on a pilgrimage all throughout the year.”

Iniulat kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maganda ang panahon sa Metro Manila, partikular sa Maynila, ngayong Martes bagamat may posibilidad na umulan sa hapon hanggang gabi.

DAGSA SA PAHALIK

Samantalang, dinagsa kahapon ng libu-libong deboto ng Nazareno ang Pahalik 2018 sa Quirino Grandstand Maynila.

Batay sa taya ng Manila Police District (MPD), umabot na sa halos 20,000 ang pumila sa Pahalik bandang 4:00 ng hapon kahapon, bisperas ng Traslacion.

Mahigit 6,000 rin ang dumalo sa hourly mass sa Quiapo Church.

Tiniyak na ng MPD at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa Traslacion ngayong Martes.

CODE WHITE ALERT

Kaugnay nito, isinailalim na ng Department of Health (DoH) sa code white alert ang mga pagamutan sa lungsod ng Maynila para sa Traslacion, at mananatili ito hanggang bukas.

Nagsagawa rin kahapon ng clearing operations kontra traffic obstructions at illegal street vendors ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga ruta ng Traslacion, at 35 sasakyang ilegal na nakaparada sa Palanca Street, Kalaw at bahagi ng Roxas Boulevard ang na-tow.