Ni Fer Taboy

Umabot sa P5 milyon ang inisyal na danyos sa nasunog na gusali ng tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Agusan del Norte, iniulat kahapon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ulat ng BFP, dakong 5:05 ng hapon nang sumiklab ang sunog, na tumagal hanggang 6:58 ng gabi nitong Linggo.

Ayon kay Chief Insp. Rey Restauro, Provincial Fire Marshall ng Agusan del Norte, kaagad silang nagsagawa ng overhauling operation sa nasunog na tanggapan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi pa ng BFP na umabot sa ikaapat na alarma ang sunog, na hindi na kumalat sa mga kalapit nitong gusali.

Walang iniulat na namatay o nasugatan sa sunog.

Samantala isang malaking problema ngayon ni Division Superintendent Arsenio Cornites Jr. kung paano ire-retrieve ang mga dokumento at tseke ng kagawaran, dahil kasama sa nasunog sa gusali ang cashier at accounting offices.