Ni Reggee Bonoan

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin tungkol kay Kris Aquino na affected din sa pagtaas ng buwis at ng mga pangunahing bilihin sa bagong Train Law.

Malaki ang itinaas ng presyo ng gasolina at diesel kaya hindi type ni Kris na tuluyang pasukin ang transportation business.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Mahal ang gasoline,” kaswal niyang banggit sa amin.

Paano na ang taxi business ni Luis Manzano na sinosyohan niya?

“Hindi na ako angel investor, hindi na angel kay Luis,” natawang sagot ng lady CEO ng KCA Company na hindi namin agad nakuha ang ibig sabihin ni Kris kung hindi lang niya binanggit na, “Eh, di ba kay Luis ‘yun? Nu’ng nag-ano (nag-usap) kami kaya hindi na nga ako angel investor ngayon, venture capitalist na lang, yehey!” masayang sabi pa.

Ilang units ang naidagdag sa LBR Taxi fleet ni Luis nu’ng sumosyo si Kris?

“Mayroon lang akong inano (in-invest na pera) sa kanila, at magpu-fully paid sila by March 2020. Sila ang nag-expand, 220 (units) na yata, ‘yung pink taxi, ‘yun (ang units na naidagdag ni Kris). So, I’m not an angel investor now, I’m a venture capitalist, oh!” tumatawang kuwento sa entertainment writers na tawa nang tawa.

Witty nga naman na hindi na si Angel Locsin ang girlfriend ngayon ni Luis, he-he....

Inaalam sana namin kung bakit naghiwalay ang dalawa, pero hindi kami sinagot. Nag-smile lang sa amin ang dapat sana’y magiging ninang sa kasal ng dalawa na nabanggit pang na may inilaan na sana siyang malaking halaga para sa out of the country honeymoon sana kung nagkatuluyan ang dalawa.

Hmmm, hindi kaya kay Erich na lang magnininang sa kasal si Kris kung sinuman ang makatuluyan nito? Isama na rin si Kim Chiu pagdating ng araw.

Ano sa palagay mo, Bossing DMB?

(Love love love! --DMB)