Ni Nitz Miralles

NAGUSTUHAN ng maraming netizens ang post ni Angelica Panganiban tungkol sa nagdaang taon at sa pagharap niya sa 2018.

May mga nagpayo sa kanya na kalimutan ang mga hindi magagandang nangyari sa buhay niya last year at dahil strong woman siya, alam nilang makakaya niya ito.

ANGELICA copy copy

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

“Masakit ka sa ulo 2017. Pero ito ang pinakamasayang taon ko. Sa pagtitiwala, pero binigo. Sa pagiyak, pero kinaya.

Sa pagtawa ng walang humpay. Sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Sa mga kaibigan na nabalik. Sa mga lugar na bagong naramdaman. Sa pagkakataon na sinubukan. Sa mga tagumpay na pinasalamatan. Thank you 2017. Exciting 365 days ahead. Happy new year guys!!!”

May nagpaalala rin kay Angelica na kahit may masakit, mas marami pa ring blessings siyang natanggap last year. Isa na rito ang box-office success ng The Unmarried Wife na nagpanalo sa kanya ng Best Actress sa 2017 FAMAS.

Kasama rin sa blessings ang pelikula ng Star Cinema, IdeaFirst Company at Quantum Films na Ang Dalawang Mrs. Reyes na last year niya ginawa at sa January 17 na ang showing. Kasama niya rito si Judy Ann Santos at sina Joross Gamboa at JC de Vera.

Sa direction ni Jun Lana, hindi pa man showing ay marami na ang nagsasabing magiging box-office hit ang pelikula na ibang Judy Ann at Angelica ang mapapanood.