NANGIBABAW ang Jose Rizal University, sa pangunguna ni Shola Alvarez, para pabagsakin ang San Sebastian College, 27-25, 25-23, 22-25, 16-25, 15-12, kahapon sa 93rd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.

Ratsada ang 20-anyos na si Alvarez, nabatak sa laro sa kanyang stint sa Pocari Sweat sa Premier Volleyball League, sa naiskor na 28 puntos, kabilang ang 24 sa spikes at apat na blocks para sa unang panalo ng Lady Bombers ngayong season.

“I’ve heard we’ve never won against San Sebastian even before I became coach here five years ago,” pahayag ni JRU coach Mia Tioseco. “And we’re happy we made history.”

Ito ang unang kabiguan ng San Sebastian sa elimination round sa nakalipas na dalawang seasons kung saan diretso silang umusad sa championship, ngunit kapwa nabigo sa St. Benilde noong 2016 at sa Arellano U sa nakalipas na season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa edad na 20-anyos at nasa ikalima at huling taon ng paglalaro, target ni Alvarez na magabayan ang JRU sa Final Four sa unang pagkakataon.

“This is my last season and I hope I could get to play in the Final Four,” sambit ni Alvarez.

Bagsak ang San Sebastian sa 1-1 karta.

Nauna rito, ginapi ng Letran ang kapit-bahay na Mapua, 25-22, 25-17, 25-19.