Ni Aaron Recuenco

Sisibakin sa serbisyo ang 67 pulis, kabilang ang mga opisyal na may ranggong katumbas ng colonel sa militar, bago matapos ang buwan dahil sa iba’t ibang sala kabilang ang pagkakasangkot sa illegal drugs.

Sinabi ni Director General Ronald dela Rosa, pinuno ng Philippine National Police (PNP), na inaayos pa ng National Police Commission (Napolcom) ang lahat ng kaso ng tiwaling police officials — na dahilan ng pagkaantala.

“I asked an update from the executive officer and vice chairman of the Napolcom, Attorney (Rogelio) Casurao and he told me that within the month, they will be able to resolve all of those cases,” sabi ni Dela Rosa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi ni Dela Rosa na sinabihan din siya na ang lahat ng cases folders at ang mga resolution ng Napolcom ay inaasahang isusumite sa Office of the President ngayong buwan.

“These will be submitted to the President for approval before the end of this month because we are observing properly the due process,” pahayag ni Dela Rosa.