Ni Rommel P. Tabbad
Tatlong opisyal ng Department of Agriculture (DAR)-Region 11 sa Davao City ang sinuspinde ng Sandiganbayan sa loob ng tatlong buwan kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa maanomalyang pagbili ng P3-milyong disinfectant noong 2012.
Suspendido sina Melani Provido, Isabelita Buduan, kapwa senior agriculturists; at Marie Ann Constantino, administrative officer.
Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Sections 3(e) at (g) Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).
Nilinaw ng anti-graft court na sinuspinde nila ang tatlo upang hindi maimpluwensiyahan ang imbestigasyon sa kinakaharap nilang kaso.
“The accused, who were all members of the Technical Working Group on the procurement of disinfectants in 2012, were arraigned in January 2017. The Office of the Ombudsman found that the accused entered into a grossly and manifestly disadvantageous contract with FKA Agri-Chemical for the procurement of 38 drums of disinfectant amounting to P3,040,000.00, despite the existence of a lower bid from another qualified bidder amounting to only P2,647,308.00,” ayon sa korte.