Ni Bella Gamotea

Aabot sa 253 luma at mauusok na pampasaherong jeep ang nasampulan sa kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Department of Transportation (DOTr) sa ilang lansangan sa Metro Manila kahapon.

Tumulong din sa operasyon at kampanya ang Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at mga lokal na pamahalaan sa pilot areas sa EDSA, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, at Marcos Highway.

Nabatid na binigyan muna ng warning ang driver ng 123 jeep na nahuli sa smoke belching, habang 130 iba pa ang depektibo o may sira ang ilang spare parts at accessories ng sasakyan kaya inisyuhan ng temporary operators permit.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kapag hindi nakapag-comply ang mga ito, sususpendihin ang kanilang prangkisa.

Ang kampanya ay alinsunod sa mahigpit na direktiba ni Pangulong Duterte na pagsapit ng Enero 2018 ay wala na dapat mga bulok at mausok na jeep na namamasada sa mga kalsada.