Caroline Wozniacki (MICHAEL BRADLEY / AFP)
Caroline Wozniacki (MICHAEL BRADLEY / AFP)

AUCKLAND, New Zealand (AP) — Magtutuos sina top-seeded Caroline Wozniacki at second-seeded Julia Goerges sa final ng WTA Tour’s ASB Classic matapos ang matikas na kampanya sa Final Four nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Matapos masuspinde ang ilang laro sa quarterfinal bunsod ng pag-ulan, magkakasabay na isinagawa ang naturang laban at ang semifinal round.

Nanig ang karanasan nina No. 3-ranked Wozniacki at No. 14 Goerges.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ni Goerges sina Polona Hercog 6,4, 6-4, sa quarterfinal, bago sinibak si qualifier Hsieh Su-wei ng Taiwan 6-1, 6-4 sa semis.

Naisalba naman ni Wozniacki ang kabiguan sa unang set tungo sa 4-6, 6-2, 6-4 panalo kontra sa 19-anyos at wildcard na si Sofia Kenin sa quarterfinal, bago nanaig kay qualifier Sachia Vickery, 6-4, 6-4, sa semifinal.

“I’m exhausted,” sambit ni Wozniacki. “If I’m being honest, it’s tough at this stage of the season.

“After the first match I thought ‘Oh gosh I feel my back, I feel my legs.’ We didn’t play for a couple of days which was nice and then coming out here and playing three sets this morning and playing two long sets just now ... I’m not 17 anymore!”

Nakausad si Goerges sa Auckland final sa ikalawang pagkakataon sa nakalipas na apat na taon at mapapalaban kay Wozniacki sa ikatlong pagkakataaon sa torneo.

“Since I’ve been coming here for nine years, maybe it’s time,” sambit ni Goerges. “I’m feeling good. It’s another final for me, now three in a row and I can just be happy.”