HAHAMUNIN ni No. 13 contender Ernesto Saulong ng Pilipinas si IBF junior featherweight titleholder Ryosuke Iwasa sa Marso 1 sa Kokugikan sa Tokyo, Japan.

Iniulat ng Fightnews.com kamakalawa na magsisilbing undercard ang sagupaan nina Iwasa at Saulong sa rematch nina WBC bantamweight champion Luis Nery ng Mexico at dating kampeon na si Shinsuke Yamanaka ng Japan.

Kinumpirma ng manedyer ni Saulong na si Ariel Araja na naghahanda na ang 28-anyos na challenger mula sa Mindoro Occidental sa Survival Camp, lugar kung saan nagsasanay rin si IBF junior bantamweight champ Jerwin Ancajas sa Magallanes, Cavite.

May rekord si Saulong na 21-2-1 na may 8 panalo sa knockouts at may tatlong sunod na panalo sa knockouts mula nang matalo sa puntos kay Lwandile Sityatha sa South Africa noong 2015.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaedad rin ni Saulong si Iwasa na 28-anyos at may kartadang 24-2-0 na may 16 pagwawagi sa knockouts na naagaw ang IBF title sa kababayang si Yukinori Oguni via 6th round stoppage noong nakaraang Setyembre.

“It’s going to be an interesting fight since Iwasa is a stylish kind of fighter while Saulong is a slugger,” sabi Araja sa Rappler.com. “[We’ll] see how he could cut the ring to avoid Iwasa from running. I think he has a good chance to bring home the title.”

“This is what Saulong has been looking for in his career,” sabi naman ni Joven Jimenez na sasanayin si Saulong para sa labang ito at isasabak sa sparring kay Ancajas. “He needs to win by KO.” - Gilbert Espeña