Ni ANNIE ABAD

RAMIREZ: Sagot namin kayo.
RAMIREZ: Sagot namin kayo.
WALANG dapat ipangamba ang mga atleta at coach na isumbong o ilantad ang nalalamang pagmamalabis at kurapsyon sa kanilang mga sports dahil kasangga nila mismo ang Pangulong Duterte.

Ito ang mensaheng ipinaabot ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, sa mahigit 1,000 atleta at coaches na nasa pangangasiwa ng pamahalaan.

Sa kanyang Facebook account Maxi Green, inilagay ni Commissioner Ramon ‘El Presidente’, ang memoramdum ni Ramirez para sa lahat ng mga atleta at coach sa national team at training pool.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa nasabing mensahe, kaisa ng mga atleta si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa mga tiwaling sports officials kung kaya walang dahilan upang matakot ang sinuman sa Philippine Team na magsiwalat ng kahit na anong maling gawi ng sinumang opisyal, harassment o kahit na anumang katiwalian.

“Tell them President Duterte thru PSC will be at their side if they are on the right side, that PSC was created by Congress to provide their needs: dormitory, meal allowances, monthly allowances, local and foreign training, uniforms, cash incentives and security of safety and harassment,” pahayag ng PSC sa memo.

Ayon kay Fernandez wala ng dahilan para matakot ang mga atleta dahil kasangga nila ang buong sambayanan at sa pamamagitan ng PSC at ng administrayong Duterte sabay-sabay na susugpuin ang katiwalian at paglaban sa karapatan ng mga atleta.

“PSC shall protect the athletes at all time and at all costs. We will sustain this investigation and stop the corruption in Philippine sport,” ayon kay Fernandez.

Ang dating four-time MVP sa PBA at national cager na si Fernandez ang nag-expose, sa pamamagitan ng sinumpaang-salaysay ng anim na miyembro ng Philippine Karatedo Federation (PKF), sa pangangankung ng mga opisyal ng karate nang ibigay lamang ang Euro 460 sa bawat miyembro ng 12-man karate team na nagsanay sa Germany bago ang SEA Games sa nakalipas na taon. Ang aprubadong budget ng PSC sa bawat isang atleta ay US$1,800.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa naturang alegasyon laban kay PKF secretary general Raymund Lee Reyes, na kasalukuyang nag-file umano ng ‘leave of absence’ sa asosasyon.

Nauna nang sinabi ni datring PKF president Go Teng Kok na matagal nang gawain ito ni Reyes kung kaya’t plano na niya itong sibakin, ngunit sa pakikipagkutsabahan kay POC first vice president Jose Romasanta, sapilitan siyang inalis sa puwesto.

Naging laban ng PSC ang pagsugpo sa kurapsyon at kasalukuyang hinihimay ng Commission on Audit (COA) ang mga dokumentong inilabas ni Fernandez hinggil sa milyon-milyong ‘unliquidated’ na expenses na nakuha ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco sa panahon ni PSC chairman Richie Garcia – dating player at golf buddy ni Cojuangco sa Team Luisita.

Hinikayat din ng PSC na magsumite ng mga impormasyon at dokumento na makakatulong sa mga atleta ng patunayan ang kanilang alegasyon sa sinumang tiwaling opisyal, at hindi natatakot na matanggal sa National Team. Nakahanda umanong tumulong ang gobyerno sa mga nasabing atleta na itama ang lahat ng kamalian sa mundo ng sports.