NAKOPO ng Philippine Team ang isang ginto, isang silver at apat na bronze medals sa Asia International Open Taekwondo Championships kamakailan sa Melaka, Malaysia.
Sa pahayag ni International Taek¬wondo Federation-Philippine Taekwondo Union president Arthus Arboleda, matikas na nakihamok ang Pinoy sa torneo kung saan naglingkod din siya bilang umpire.
“Nakapasok ang bawat jins natin sa semifinals dahilan upang makasigurado tayo sa ikatlong puwesto at makapagwagi tayo ng 4 na bronze mula kina Marielle Jane Montecillo sa 18 above female micro blackbelt, Spring Gallarde sa 18 above male micro blackbelt, John Vincent Pagado sa 18 above male micro co¬lored belt at Joel Gallarde sa 18 above male heavy blackbelt.
“Kumpiyansa pa rin ako sa ikalawang araw na makasungkit tayo ng gold, kaya naman nu’ng makakuha tayo ng 1 silver kay John Ian Nisnisan (18 above male hyper blackbelt), tuluyan tayong sinu¬werte sa huling laro ni Dann Mangabon na naka-gold (18 above male micro co¬lored belt),” sambit ni Arboleda.