NAGAWANG makaiskor ni Santiarri Espiritu ng San Beda laban sa depensa ng Jose Rizal University sa NCAA women’s volleyball tournament nitong Biyernes sa Flying V Center. Nagwagi ang Bedans sa straight set. (MB photo | RIO DELUVIO)
NAGAWANG makaiskor ni Santiarri Espiritu ng San Beda laban sa depensa ng Jose Rizal University sa NCAA women’s volleyball tournament nitong Biyernes sa Flying V Center. Nagwagi ang Bedans sa straight set. (MB photo | RIO DELUVIO)
WINALIS ng University of Perpetual Help ang nakatunggaling Lyceum of the Philippines University sa tatlong dibisyon na kanilang pinaglabanan kahapon bilang panimula ng kanilang kampanya sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Sinimulan ng defending juniors champion Perpetual Junior Altas ang kanilang title -retention bid matapos i-sweep ang unang laban kontra Junior Pirates, 25-18, 25-28,25-13, sa pangunguna nina Noel Kompton at Ivan Encila na nagposte ng 13 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.

Kasunod nito, winalis din ng Altas ang Pirates, 25-19,25-13,25-18, sa pangunguna ni Joebert Almodiel na umiskor ng 11-puntos kasunod si Rey Taneo na nagsalansan naman ng 10-puntos.

Sa ikatlong laban, ipinakita ng Lady Altas kung bakit itinalaga silang isa sa mga title contender ngayong taon makaraang walisin din nila ang Lady Pirates, 25-21, 25-17, 25-22.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinangunahan ni middle blocker Lourdes Clemente ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 14-puntos. Sinundan naman sya ng open spiker na si Cindy Imbo na nagtapos na may 13 puntos. - Marivic Awitan