TOKYO (AP) — Sinabi ng kinatawan ng North Korea IOC nitong Sabado (Linggo) sa Manila na makikiisa ang kanilang mga atlketa sa Winter Olympic sa South Korea sa Pebrero, ayon sa ulat ng Japanese media.

Sa panayam ng media sa kanyang pagdating sa Beijing airport, sinabi ni Chang Ung na siguradong sasabak ang North Korean sa figure skating, ayon sa ulat.

Ayon sa source ng Japan’s Kyodo News service at broadcaster NHK, patungo umano si Chang sa Switzerland para makausap ang mga opisyal ng International Olympic Committee (IOC).

Sa ipinalabas na footage ng NHK, makikita si Chang na nakikipag-usap sa mga reporter, bago pumasol sa boarding area.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nauna nang sinabi ni North Korean leader Kim Jong Un na magpapadala siya ng delegasyon sa Olympics sa Pyeongchang, South Korea. Hindi naman malinaw kung puro opisyal o may kasamang atleta ang naturang delegasyon.

Sa kasalukuyan, tanging sina figure skating pair Ryom Tae Ok at Kim Ju Sik ang North Korean athletes na kwalipikado sa Winter Games. Naipanalo ng dalawa ang unang medalya – bronze – ng North Korea sa Asian Wiunmter Games sa Sapporo, Japan, sa nakalipas na taon.