Luis Manzano
Luis Manzano
MAGANDA ang takbo ng taxi business ni Luis Manzano. Isa na siya ngayon sa top taxi operators sa Pilipinas. At dahil sa magandang management, marami ang naglilipatang mahuhusay na drivers sa LBR taxi ni Luis mula sa iba’t ibang operators.

Bukod sa transportation ay may iba pang negosyo si Luis na ayaw muna niyang ipabanggit. Nasa drawing board na rin ang isa pang negosyong bubuksan niya na may kinalaman sa hilig niya sa iba’t ibang uri ng pagkain.

Sa food business, magagamit na ni Luis ang Hotel and Restaurant Management na tinapos niya sa kolehiyo.

“Well, kailangang pag-aralan ko muna ang in and outs ng food business. Although may idea na ako pero kailangan madagdagan pa,” kuwento sa amin ng premyadong TV host.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa ngayon ay gusto niyang matutuhan ang tamang pagluluto ng isang putahe na matagal na niyang sinusubukang gawin.

“Sulpicao Pasta is a personal favorite of my Mom (Vilma Santos), my brother and my Tito (Sen.) Ralph (Recto). I tried cooking it several times but there were a few hit and misses,” ani Luis.

Ipinagmamalaki niya ang nakukuha niyang dagdag kaalaman mula kay Chef Erns (Gala). At wiling pa siyang patuloy na mag-aral para sa katuparan ng food business na pangarap niya.

“This might be the star of a long-term partnership with my friend chef Erns and I look forward to learning more from him,”banggit pa rin ng panganay ng Star for all Seasons Vilma Santos-Recto.

Nasa restaurant business na rin naman ang kanyang Tita Emilyn na kapatid ni Ate Vi. Balak ba niyang kumpentisyahin ang tita niya?

“Hindi naman. Iba naman ‘yung sa kanya. ‘Yung sa akin, more on food,” tugon pa rin ni Luis.

Lahad pa ni Luis, ang kanyang Mommy Vi raw ang isa sa nag-udyok sa kanya na pasukin ang food business.

“Si Mommy kasi, gusto niya na gamitin ko ‘yung natapos kong Hotel and Restaurant Management. Well, let us see,” sey pa ng binata. --Jimi Escala