BRISBANE, Australia (AP) — Naitala ni Nick Kyrgios ang 19 aces sa 3-6, 6-1, 6-4 panalo kay defending champion at top-seeded Grigor Dimitrov sa Brisbane International semifinals nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Sumabak sa unang pagkakataon mula nang magwagi sa season-ending ATP Finals para mapataas ang career sa No.3 ranking, kinapos si Dimitrov sa matikas na all-around game ni Kyrgios.
Makakaharap ng third-seeded na si Kyrgios, nanalo sa tatlong ATP titles noong 2016, si American Ryan Harrison sa finals sa Linggo (Lunes sa Manila).
“He’s definitely one of the best players in the world at the moment. He had a great last year — beat me two times,” sambit ni Krygios. “I knew I’d have to do something a bit differently today — I couldn’t give him too much rhythm. And my serve came through again.”
“My knee is sore, but it’s good enough to play,” he said of the taping over his left knee. “I hope I can keep serving like that tomorrow.”
Umusad si Harrison sa third tour-level final nang pabagsakin si Alex De Minaur, 4-6, 7-6 (5), 6-4.
Napatanyag si De Minaur nang magapi si dating Wimbledon finalist Milos Raonic sa second round.
Tampok naman sa women’s final sina No. 3-seeded Elina Svitolina kontra Belarusian qualifier Aliaksandra Sasnovich.