Ang mga negosyante, tulad ni Kris Aquino, ay aminadong apektado lalo na ang food business niya.
Sa panayam namin sa lady CEO ng KCA group of companies, tinanong namin kung pabor ba siya sa Train Law.
“Alam mo, nu’ng binabasa ko, bigla kong naisip na, ‘ay okay na palang mamatay na ako kasi 6% na lang ‘yung estate tax, ha-ha-ha! so, at least my sons will be okay,” tumatawang sagot ni Kris.
Napakalaking kabawasan daw kasi ng 14% sa dating 20% na estate tax.
“So, kung ma-dead ako, good for my boys, ha-ha-ha! Doon lang ako pabor, pero ‘yung kinikita ko ngayon nadagdagan, 35% na, from 32% to 35%. ‘Tapos mahirap sa food kasi may restaurants kami. Di ba ‘yung sugar beverages? Medyo mahirap ‘yun, aaralin mo pa, si Nicko (Falcis, finance guru niya), gumawa ng chart to explain to me na how it should affect me. So medyo du’n sa food, affected kami, ‘tapos ‘yung fuel because everything is transported and daily mo hinahatid ‘yung Potato Corner and Nacho Bimby, so ‘yun. Sa negosyo namin, doon kami affected.
“Sabi ko nga, if I die, good for them (Josh at Bimby) kasi malaking bagay. Nagsisisi nga ako kasi before knowing all of these, slowly kasi ang ginawa ko, ilang times ako nag-transfer ng deed of donation na instead of 20%, you can pay 15% right away na nandoon na sa mga bagets. Eh, ilang times kong ginawa ‘yun na parang irrevocable trust ang tawag doon, so nalugi pa ako hindi ko naman alam na ito ‘yung mangyayari, pero at least meron sila kasi natakot ako dati kung hindi bayad, frozen lahat, so I wanted na anumang mangyari sa akin, nasa kanila na,” paliwanag ni Kris.
Samantala, ang excited na ibinalita ni Kris ay may bago siyang endorsement sa health card na pangmasa bagamat hindi pa puwedeng banggitin ang brand name, pero magiging malaking tulong daw ito sa mga karaniwang mamamayan.
“It’s a prepaid card na binayaran mo for P2,000 for the entire year at ang coverage ay P150,000 in any emergency room at any hospital,” kuwento ni Kris. “Di ba kasi ang nangyayari is that there’s a law in an emergency room you cannot be turned away but the what they’ll do is stabilize you and send to any government hospital. But now with this (health card) you will have P150,000 na coverage.
“When they were explaining this to me, sabi ko, ang daming employees, siyempre may Philhealth pero ang laking tulong nito kasi like mga driver ko, nagmomotor, di ba. Any unforeseen accidents so right away may coverage na P150,000. So hindi ka mamatay kasi may ipapakita kang card and it’s only P2,000 a year.
“Di ba hindi mo naman masasabi like naaksidente ka, nabalian ka, talagang ‘yun ‘yung malaking gastos. So, kung mayroon ka nitong prepaid card, at least panatag ka kung saan ka kukuha ng panggastos. Kaya dapat nasa wallet mo lang na at least anuman ang mangyari... kasama pati gamot.”
In fairness, magandang balita ito sa mga karaniwang Pilipino, anytime na may mangyaring hindi maganda, hindi na mamumrublema sa pambayad ng hospital at ‘pag na-confine ka, may sasagot sa gastusin. --Reggee Bonoan