Fluvial Procession, Pagpupugay sa Mahal na Sto. Niño sa Batangas City
Fluvial Procession, Pagpupugay
sa Mahal na Sto. Niño sa Batangas City

Sinulat at mga larawang kuha ni LYKA MANALO

MALAKI ang paniniwala ng mga deboto sa Batangas City na ang Sto Niño ang gumagabay sa pag-abot ng kanilang mga tagumpay sa buhay gayundin sa kaligtasan ng kanilang pamilya mula sa mga kalamidad at sakuna.

Taun-taon ay isinasagawa ang prusisyon bilang pagpupugay sa patron ng lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa lungsod tuwing sasapit ang ika-16 ng Enero.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Fluvial Procession, Pagpupugay sa Mahal na Sto. Niño sa Batangas City
Fluvial Procession, Pagpupugay
sa Mahal na Sto. Niño sa Batangas City
Nitong Biyernes, Enero 5 ay muling isinagawa ang prusisyon na pinangunahan ni Batangas City Mayor Beverley Rose Dimacuha-Mariño at kanyang asawa na si Congressman Marvey Mariño kasama si Father Aurelio Dimaapi, ang parish priest ng Basilica Immaculada Conception at mga lokal na opisyal ng pamahalaang lungsod.

Mag-aala una ng hapon sinundo ng grupo ni Mariño ang imahe ng Sto. Niño sa basilica at nag-motorcade patungo sa Batangas City Convention Center at doon ay isinagawa ang cultural presentation ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa lungsod.

Ang cultural presentation na may temang Alay sa Sto Niñong Mahal: Ating Tagumpay ay nilahukan ng Marian Learning Center and Science High School, Colegio ng Lungsod ng Batangas, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Casa Del Bambino Emmanuel Montessori at University of Batangas. Kasama rin nila ang Golden Gate Colleges, Batangas State University,  Westmead International School, Sunhill Montessori Casa, Divine Child Academy, Batangas National High School (BANAHIS), Saint Bridget College at Cristo Rey Institute for Career Development.

Fluvial Procession, Pagpupugay sa Mahal na Sto. Niño sa Batangas City
Fluvial Procession, Pagpupugay
sa Mahal na Sto. Niño sa Batangas City
Pagkatapos ng programa ay muling nag-motorcade sa Poblacion patungo sa Cuta Duluhan na may naghihintay na pagoda na sasakyan ng Sto Niño para sa fluvial procession.

Inilabas ng mga residente ang kani-kanilang mga imahe ng Sto. Niño kasabay ng pagwagayway ng mga bandiritas habang dumaraan ang motorcade.

Isinakay sa pagoda ang imahe kasama ang grupo nina Mariño kasunod ang mahigit 30 maliliit na bangka sakay ang mga debotong nagdarasal habang binabaybay ang ilog patungo sa Calumpang Bridge.

Doon naghintay sa Sto. Niño ang sumalubong na libu-libong mananampalataya at para ipagpatuloy  ang prusisyon sa mga kalye ng lungsod patungo sa basilica.

Ang mga deboto ay sumisigaw ng “Viva Sto. Niño” habang sama-samang naglalakad pababa ng tulay ng Calumpang.

Sinalubong ng fireworks display ang pagbabalik ng imahe ng Sto. Niño sa simbahan at nagsagawa ng Misa bilang pagtatapos ng programa.

Bukod sa prusisyon, ang lungsod ng Batangas ay may iba’t ibang aktibidades bago sumapit ang araw ng kapistahan tulad ng pagpili at koronasyon ng Bb. Lungsod 2018, battle of the bands, children’s art competition, photo contest and children’s art exhibit, parada sa araw ng kapiyestahan at jobs fair.

Idineklarang ng Malacañang na walang pasok ang mga opisina sa eskuwelahan sa Enero 16, Martes, para sa pagdiriwang ng kapistahan ni Sto. Niño sa lungsod.