Naalarma sa mga diumano’y paglabag ng mall owners sa fire safety codes at hindi pagsunod sa occupational safety at health regulations, nanawagan ang grupo ng manggagawang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng joint fire safety audit sa mga mall sa buong bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza na dapat magsagawa ng nationwide inspection ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang mabawasan ang mga insidente ng sunog sa malls.

“It is outrageous to see another fire incident taking place in Metro Ayala mall and Gaisano mall in Cebu City when just 15 days ago 38 workers perished in NCCC Mall fire in Davao City,” aniya.

Naniniwala si Mendoza na hindi “isolated incidents” ang mga ito.

Sa pagpunta niya sa UAE; PBBM, pinagkatiwala bansa kina Remulla, Estrella, Bersamin

“There is a widespread violation of malls owners to fire safety standards and compromise the safety of mall goers and well-being of mall workers to cut costs and make bigger profit for themselves,” aniya.

Sinabi ni Mendoza na ang mga nangyaring sunog sa malls ay pahiwatig ng tahasang pagbabalewala ng mga may-ari ng department store sa building safety laws at pagwawalang-bahala sa workplace policy para sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.

Idiniin ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesman Alan Tanjusay ang kahalagahan ng pagsasagawa ng fire safety audit inspections sa malls, na itinuturing nang tirahan ng mga Pilipino.

“Fire safety audit to all malls is important because workers work here and children, old folks and entire families consider malls as home. It is the place for work, recreation and business,” aniya.

Sinabi ng ALU-TUCP na dapat kaagad isagawa ang joint DOLE-BFP safety audit inspections dahil sa paparating na tag-araw kung kailan madalas ang mga sunog. - Leslie Ann G. Aquino