Inendorso ng House Committee on Labor para sa pag-apruba ng plenaryo ang panukalang nagkakaloob ng yearly service incentive leave na 10 araw para sa lahat ng empleyado.
Isinulong ng panel, pinamumunuan ni Cagayan Rep. Randolph Ting ang pagpasa sa House Bill 6770 na nakapaloob sa Committee Report No. 508.
Nilalayon ng HB 6770, pangunahing inakda ni Baguio Rep. Mark Go, na dagdagan ang service incentive leave ng mga empleyado mula sa 10 araw na may bayad. Makikinabang sa panukala ang mga empleyado na nakapagsilbi ng isang taon sa serbisyo.
Inaamyendahan ng panukala ang Article 95 ng Presidential Decree No. 442, as amended, o mas kilala bilang Labor Code of the Philippines. Ang Department of Labor and Employment (DoLE) ang magbalangkas ng implementing rules and regulations ng ng batas na ito. - Charissa M. Luci-Atienza