WASHINGTON (AFP) – Pinuri ni US President Donald Trump nitong Sabado ang kanyang sarili na “a very stable genius,” kasunod ng paglabas ng isang pasabog na libro na kinukuwestiyon ang kanyang katinuan.

Sa serye ng madaling araw na tweet, sinabi ni Trump na “throughout my life, my two greatest assets have been mental stability and being, like, really smart.”

“I went from VERY successful businessman, to top T.V. Star to President of the United States (on my first try). I think that would qualify as not smart, but genius....and a very stable genius at that!”

Ang sinasabing tell-all book -- ang “Fire and Fury: Inside the Trump White House” ni Michael Wolff -- ay minadaling inilabas sa mga tindahan nitong Biyernes matapos mabigo ang administrasyong Trump na harangin ito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kaagad na naubos ang mga kopya ng libro sa Washington, kung saan ito ay naging usap-usapan, at nanguna sa bestsellers list ng Amazon.