Ni Beth Camia

Kabilang sa mga bagong itinalaga ni Pangulong Duterte sa gobyerno si Miss Universe 1973 Margie Moran Floirendo, at ang dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Benjamin Magalong.

Itinalaga ni Duterte si Magalong bilang miyembro ng board of directors ng Philippine National Oil Company.

Maninilbihan si Magalong sa nasabing posisyon hanggang sa Hunyo 30, 2018 upang punan ang nalalabing termino ni Bruce Concepcion.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, itinalaga naman ng Presidente si Floirendo bilang miyembro ng board of trustees ng Cultural Center of the Philippines (CCP), at magsisilbi hanggang Hunyo 30, 2018 para naman punan ang posisyon ni Danilo Dolor.

Deputy chief for operations ng Philippine National Police (PNP) bago nagretiro, pinangunahan ni Magalong ang imbestigasyon sa pagkamatay ng 44 na operatiba ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Si Floirendo ay dating misis ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., na kilalang masugid na tagasuporta ni Duterte.