Ni REGGEE BONOAN

IKUKULONG si Kris Aquino simula Pebrero 23 hanggang March 25 sa isang undisclosed location para sa tuluy-tuloy na shooting ng pelikulang ila-line-produce ng Unitel for iflix.

KRIS copy copy

“Ang style pala ‘pag foreign (production) merong script consultants yata tawag du’n. Basta na-worokshop sila rito with the writers,” kuwento ni Kris nang mainterbyu namin sa bagong bahay niya sa Green Meadows pagkatapos ng block screening ng Siargao na ini-sponsor-an niya bilang suporta kay Erich Gonzales at sa mga inaanak na producers nito na sina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Tatlong araw ding locked-in ang scriptwriters ng pelikula para maplantsang mabuti at walang butas ang istorya.

Kaya ba niya na walang alisan sa location ng mahigit isang buwan?

“Eh, kasi para raw in character ka sa buong panahon ng shooting, para consistent ang acting. At saka puro gabi kaya pumayag na ako kaysa mahirapan,” sagot ni Kris.

Paano si Bimby?

“Ito na nga sinabihan ko na (si Erich) na itse-check niya, saka mga sisters ko naman dito rin nakatira.”

Hindi pa puwedeng banggitin ni Kris kung ano ang kuwento ng pelikulang gagawin nila na ididirihe ni Adolf Alix, Jr.

Sakto rin na locked-in ang shooting ni Kris dahil gising siya sa gabi at tulog siya sa araw.

“Siyempre naman, ‘no, ayaw kong mamatay nang nagso-shooting.”

Tuluy-tuloy na uli sa paspasang trabaho si Kris. Katunayan, maging sa mismong kaarawan niya sa Pebrero 14 ay may TVC shoot siya sa Japan para sa produktong doon ginagawa na isa ang Pilipinas sa market.

“Pupuntahan ko ‘yung factory nila ‘tapos ‘yung showroom nila. It’s called the Smart Home,” pahayag ni Kris.

Dalawa lang ito sa pagkakaabalahang projects ngayong Bagong Taon ng kinikilala ngayon ng Goggle/YouTube at Facebook/Instagram bilang isa sa biggest online world at social media influencer.

Umabot na sa 10 branches ang Potato Cortner plus Nacho Bimby ni Kris, at ayon sa kanya ay topgrosser ang pinakaunang Promenade, Greenhills branch, ikalawang ang Gateway Mall, ikatlo ang Uptown BGC, tabla naman sa fourth ang Eastwood Mall at Robinson’s Magnolia, SM North at The Block ang nasa panglima, pang-anim ang Vertis North, at pampito ang Ayala Malls The 30th na kabubukas lang.

Sa tatlong bagong branches ng Potato Corner plus Nacho Bimby ay hindi na pala naglabas ng pera si Kris at ang partners niya, dahil kinuha na ang ipunuhunan sa mga kinita sa naunang pitong branches.

“Hindi na kami naglabas ng pera, pinaikot na namin, nanggaling na sa pito. Hindi na nag-additional. ‘Yun ‘yung sinabi ni Nicko (Falcis, finance guro niya) na you must be proud kasi nag-expand tayo to ten and then by May, we’ll be 14 (branches) na kasi may franchise,” masayang kuwento ni Kris.

Bukod dito ay magbubukas na sa Enero 15 ang ikatlong Chowking branch niya sa Araneta Avenue corner Quezon Avenue. Una niya ang Chowking sa Alimall Cubao at ikalawa ang nasa Welcome Rotonda, Quezon City. Bubuksan na rin ang unang Jollibee branch ni Kris sa Tarlac sa Agosto ngayong taon.

Ngayong lumalago na ang mga negosyo at lalong dumarami ang brand partners ni Kris sa kanyang online company, may plano pa siyang bumalik sa telebisyon?

“You know what, I’m realistic kasi it’s a risk for any network to take me on kasi naman baka pag-initan pa sila, so okay na! I had this discussion with my sisters nu’ng tinatanong nila ako, ‘have you really adjusted?’ Sabi ko, ‘You know, the only thing that made me feel that life is so okay is because we now have 22 endorsements and more.

“Kaya naniniwala talaga ako na, when a door is closed, something else opens talaga and totoo naman talaga. Sabi ko, I would have really felt so awful kung ‘yun ‘yung nawala kasi ‘yun ‘yung ‘pinundar ko -- based on your credibility, believability and likeability mo, di ba, kaya ka nga kinukuha, eh.

“So kilig na kilig ako kasi may tatlong big product endorsements na hindi nag-renew before, ngayon they’re back and they’re paying more, ha-ha-ha,” masayang kuwento ni Kris

Dahil sa malaking kinikita ng KCA Productions (na labas ang talent fees niya), naghahanap na siya ng lupang malapit lang sa bahay nila para pagtayuan ng building na gagawing opisina.

“Sina Alvin (Gagui), tsinek na 240 square meters. Ang requirement ko, ayokong lumagpas sa Padre Pio (Church) at Temple Hill at nagne-negotiate pa. So the fact na we can afford to move somewhere na ganu’n kalaki ang area, it means lumalaki talaga,” paliwanag ni Kris.

Pero hindi iiwanan ni Kris ang opisina ng KCAP sa Scout Rallos na nagsisilbing editing house nila.

“Iba ang mundo nila, kasi sila nag-aaway-away sila kasi lahat sila naka-headphones, ganu’n. ‘Tapos itong bagong building, sa business aspects pati na ‘yung food. Di ba naggo-grow din naman ‘yung Potato Corner, Nacho Bimby and Chowking, may separate (office) ‘yung mga ‘yun,” paliwanag ng Queen of Social Media na Queen of Online World at Social Media na ngayon.

Itinanong ni Bossing DMB ang tungkol sa kumalat na tsikang babalik na raw siya ng ABS-CBN at may negotiations na raw.

“Wala naman,” sagot ni Kris.

Kung sakaling alukin siya, tatanggapin ba niya?

“I don’t think there will be kasi nagko-communicate naman kami ni Tita Cory (Vidanes, COO ng ABS-CBN), so kung mayroon, eH, di ang dali naman, di ba? As it is, right now, I don’t believe in closing any doors. Pero I also believe na ngayong naumpisahan ko ito (online business), bakit hindi ko pa pababayaan? Akin na ito, eh. So aalagaan ko talaga ito,” malinaw na paliwanag ni Kris.

So, maliwanag pa sa sikat ng araw na mas gustong mag-concentrate ni Kris sa mga negosyong itinatayo niya.