Ni Gilbert Espena

PINAGHARIAN ni National Master (NM) Ali Branzuela ang katatapos na blitz chess tournament na ginanap sa Chess Training headquarters nitong Biyernes ng gabi sa San Juan City.

Nakakolekta ng 4.0 na puntos ang top player ng Philippine National Police (PNP) Chess Team na si Branzuela para maibulsa ang titulo sa pagbubukas ng taong 2018.

Si Branzuela, dating top player ng Lyceum of the Philippines University (LPU), ay abala na rin sa paghahanda sa taong ito sa nalalapit na mga lokal at internasyunal na kompetisyon.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Magkasalo sa ika-2 hanggang ika-4 puwesto sina Philippine Army Chess team top non-master player Kevin Arquero, Jerome Villanueva at dating Rizal Technological University (RTU) ace National Master (NM) Julius Sinangote na may tig 3.5 puntos.

Nasa ika-5 puwesto naman si Ricardo Batcho na may 2.5 puntos habang nasa ika-6 na puwesto si Jason Rojo na may 2.5 puntos sa one day five minutes format na torneo na suportado nina Dra. Jenica Josue, G. Samivin de los Santos at ng SM Development Corporation.