NAG-RENEW ng kontrata sa GMA Records si Alden Richards nitong Biyernes, January 5 at ang narinig namin sa interview sa kanya sa 24 Oras na third year na niya ito sa recording outfit ng Siyete at this time ay two-year contract ang pinirmahan niya.

Alden kasama sina Gigi Lara, Felipe Yalung, at Rene Salta copy

Sa panahon ng bagong kontrata, gagawa siya ng dalawang album at magtatanghal ng concert.

Nagpasalamat si Alden sa muling pagtitiwala sa kanya ng GMA Records na i-renew ang kontrata niya para muling mag-record ng albums.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Happy! Ramdam ko naman kasi talaga ‘yung GMA Records has been continuously researching , doing a lot of brainstorming kung ano ‘yung mga ibibigay na projects sa akin, which I appreciate. Kasi parang, like what I said before, ‘di naman ako talagang kumakanta. This is not my craft, pero slowly as the years passed by parang nagustuhan ko na siya. Iba rin ‘yung fulfillment sa singing so happy ako na I’m still with GMA Records, it’s my third year,” pahayag ni Alden.

Nagpaplano si Alden na makipag-co-produce sa GMA Records sa concert, gusto raw niyang i-explore ang pagiging producer. Hindi lang nabanggit kung sariling concert o concert ng ibang singers ang iku-co-produce niya.

Gusto ring makatrabaho ni Alden si Ogie Alcasid.

“Sana, maisulat ako ng isang kanta ni Kuya Ogie. Sana lang, kung kakayanin. It’s my dream also,” patuloy ng singer/actor.

Present sa contract signing ni Alden sa GMA Records sina Mr. Felipe S. Yalung, GMA Records EVP & GMA Network COO, GMA SVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara at GMA Records Managing Director Rene Salta.

Samantala, may show si Alden billed Alden Richards Live in Sydney sa January 20 sa Evan Theater sa Panthers Penrith, Sydney, Australia. First international event of the year ito ng GMA Pinoy TV at organized ng Memory Bliss Productions.

Makakasama ni Alden sa show si Betong Sumaya at ang Filipino artists na nininirahan sa Autralia na sina Jhoanna Aguila at Calvin Orosa na sumali sa Australian version ng The Voice at X Factor respectively.

Bukod sa show sa Australia, may concert din sa New Jersey at sa Toronto, Canada si Alden pero hindi pa ina-announce kung kailan at kung saan ang venue.