Ni Reggee Bonoan

PINAG-UUSAPAN na sa apat na sulok ng showbiz ang mga pelikulang kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival at marami ang nagugulat sa kinahinatnan ng isang malaking pelikula na inasahang magiging number three o number four pero tinanggal na sa maraming sinehan at pinalitan ng Ang Larawan at Siargao.

JOANNA PAULO AT RACHEL_pls crop copy

Nagulat din kami dahil nakagisnan na naming parating number one sa box office ang pelikula ng mga artistang kung tawagin nila ay legend,

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Tapos na kasi ang era niya (legend), millennial movies na ngayon. Hindi na uso ang lumang estilo,” saad sa amin ng TV executive na nakausap namin .

At kaya raw humahakot na sa takilya ang Larawan, “Kasi puro mayayaman ang nanonood at bawat isa sa cast, suportado ng mga kaibigan nilang elitista. Aminin mo, hindi naman mahihirap ang nanood ng Larawan, di ba? Saang sinehan ba sila palabas? Kita mo nga makakasabay puro mga alta. Word of mouth ‘yan ng mga alta.”

E, ang Siargao?

“Word of mouth din, lalo na mga kaibigan nina Direk Paul (Soriano) at Toni (Gonzaga), ang dami-dami nila ‘tapos niyayaya rin ang mga kaibigan ng kaibigan... ni ganito... ganyan.

“Saka curious sila kung bakit nanalong Best Director at ng Best Cinematography at siyempre dumog ang mga mahihilig sa beach at surfing.”

Kung sabagay, nakita nga namin si Tintin Bersola kasama ang napakaraming kaibigan at kaanak sa Cinema 4 ng Trinoma at nagyayaya raw talaga sila dahil ang nagagandahan sila sa pelikula nina Erich Gonzales, Jasmine Curtis Smith at Jericho Rosales.

At ang pinaka-effective na promo pa bukod sa segu-segundong retweet ni Direk Paul ng mga reaction ng mga nanood ng Siargao ay ang endorsement ni Kris Aquino na panoorin ang pelikula sa kanyang IG account na may 3.3M followers.

Ang ipinagtataka namin, bakit bigla ring humina ang All of You considering na nanalong Best Actor si Derek Ramsay at lumakas ito after the 2017 MMFF awards night. Ngayon, bigla nang humina, anong nangyari?

“Hindi kasi masipag mag-promote ‘yung dalawang bida, sina Jennylyn (Mercado) at Derek parang dedma na sila. Dapat ‘yan continuous promo habang hindi pa tapos ang MMFF,” paliwanag nakausap naming taga-showbiz.

Nanghihinayang naman ang lahat sa Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa na hindi pinapasok ng pami-pamilya gaya ng Gandarrapiddo The Revenger at Ang Panday na siyang number one at number two sa MMFF, respectively.

“Unang-una hindi naman kasi pambata ang pelikula, plus the fact na gay movie, so akala nila one of those gay movies lang in the past. Hindi nila alam na maganda. Saka inisip kasi nila na pareho ng Die Beautiful kasi may namatay nga.

Alam mo naman ang Pinoy, di ba? Pero sana bigyan nila ng chance kasi ibang-iba ang kuwento,” sabi ng TV exec na nakapanood nito.

Steady naman daw ang Haunted Forest ng Regal Films kaya siguro masaya sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa resulta sa box office ng pelikula nila at higit sa lahat, hindi sila tinatanggal sa mga sinehan.