Ni REGGEE BONOAN

MALAKING tulong kay Erich Gonzales ang pelikulang Siargao na nang kunan ay healing a broken heart siya hanggang sa nakapag-move on sa pinagdaanang break-up nila noon ni Daniel Matsunaga.

BIMBY ERICH AT KRIS copy

Kuwento ng Ate Kris Aquino ni Erich pagkatapos ng regalo nitong block screening ng Siargao sa Ayala Malls The 30th nitong Huwebes, nakita niya sa resulta ng pelikula na bumalik na ang sigla sa mga mata ng dalaga.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Oo nga, napakaganda at napaka-sexy ni Erich sa buong pelikula bilang Manila girl vlogger na nagpunta ng Siargao para makalimot sa hiwalayan nila ng boyfriend na ginampanan ni Enchong Dee.

Natawa lang ang dalaga nang magkomento kami na true-to-life experience pala ang Siargao para sa kanya. Halata kasing feel na feel ni Erich ang mga pait ng kahapon sa delivery niya sa mga hugot lines sa pelikula.

“Siyempre medyo meron pa, two months pa lang naman nu’n, okay,” natawang sabi ng dalaga.

Salo ni Kris, “Kaya nga after Siargao na-uplift ka na, malaki (ba) ang nagawa ng Siargao sa buhay mo?”

Napangiti lang si Erich na parang may idea na kung saan patungo ang sinasabi ng Ate Kris niya.

“Heto, inside scoop, mayroon daw dumadalaw sa ‘yo sa Siargao, sino ‘yun?” pambubuking ng Queen of Online World and Social Media.

Palusot ni Erich, “Bawal, walang dumadalaw!”

Pero persistent si Kris, “Meron, naka-private plane!”

Nagkatawanan at naghiyawan ang lahat ng nasa loob sa Cinema 1 ng Ayala Malls The 30th na sabay-sabay tuloy nag-usisa ng, ‘sino!”

“I’m not saying kung sino,” sagot ni Kris, “I’m just saying. Now you understand why galit na galit ako do’n sa gumagawa ng intriga about her at ‘yung mga inaanak kong sina Direk Paul (Soriano) at si Celestine (Toni Gonzaga).”

Sagot naman ni Erich, “Sabi ko kasi kay Ate Kris, okay lang ‘yan, bahala sila. Pero sabi niya, ‘no! Hindi puwedeng bahala na.”

“Hindi puwede,” simulang katwiran ng tagapagtanggol ng aktres. “Dapat ‘yung mga fake news na ganyan, nip it in the bud because you have to live your truth. At inimbestigahan ko rin naman, tumawag ako sa inaanak ko, sinabi ko kay Celestine, ‘ano na?’ ‘Tapos sabi niya, ‘Ate may dalaw nang dalaw sa kanya naka-private plane. So wala ako talagang pangamba at all.’

“Kaya sabi ko, ‘Thank you, Lord! Thank you, God, thank you so much.’ Tingnan n’yo naman ‘yung ngiti (ni Erich), marunong si God. God knows, God has his way and talaga she didn’t stop praying and she brought Bimb (to church).”

Anyway, habang pinapanood na ang pelikula ay nagulat ang lahat at nagkatawanan nang biglang sumigaw si Bimby ng, “No!

No kiss! No kiss!” Sa eksena kasi ay nag-smack sina Erich at Enchong.

At nang mag-propose na si Enchong kay Erich sa pelikula, humirit ulit si Bimby, “Go, accept it, he’s a nice guy, but no kissing.” Kaya tawanan na naman ang lahat.

Nagulat naman ang lahat pagkatapos ng screening dahil teary-eyed si Kris, “I think lahat tayo nakaka-relate sa story dahil lahat tayo mayroong pinanghihinayangan.”

“Umiyak ka kaya,” pambubuking ni Erich.

“Gusto ko kaya. Affected din si Bimb. I wanted to cry why not?”

Tanong ni Erich, “Anong eksena ‘yung pinaka-relate ka, Ate? ‘Yung tama naman ‘yung tanong niya (Enchong), nagkamali lang ako ng sagot? Bakit relate na relate ka ro’n?”

“Wala lang, gusto ko! Hayaan mo na, hayan naluha na naman ako. May I cry-cry talaga ako. Basta let’s keep the privacy for 2018 sana sa birthday ko, ha-ha-ha,” nakakatuwang sagot ni Kris pero namumula ang mga mata at sabay pahid.

Pinuri niya nang husto ang pelikula.

“It is beautiful! Sa inaanak kong si Direk Paul Soriano, I was just so amazed with how beautiful the cinematography was. I think that’s what a movie should be, it’s should transport you, di ba? Dapat ‘yung movie madadala ka ro’n sa lugar and it has make you fall in love with the place.

“I’ve been to Siargao but dito ko nakita kung gaano kaganda siya talaga, grabe!” saad ni Kris.

Dugtong naman ni Erich, “Ate, bilang na bilang ko kung ilang beses mo nasabi, naka-43 ka at nagsabi ka pa ng ‘wow.’”

“Oh, see? Kasi it makes you proud Pinoy kasi marami na akong napuntahang mga beaches sa ibang Asian countries, ang layo! No offense, love you all but love your own. Ang ganda talaga, amazing talaga ‘yung mga drone shots and she can’t swim, the very fact na nagawa niyang mag-surf, I’m so proud of you. Pareho tayo, di ba, ikaw langoy aso, ako float lang, ha-ha-ha. And lahat tayo nakaka-relate sa story, lahat tayo may pinanghihinayangan.

“The plot is simple and I think that has made it beautiful because hindi maraming characters na mahihilu-hilo ka. It focused talaga on four people basically and nagulat ako na ‘yung participation ni Enchong ay na-appreciate ko kasi grabe naman tanggapin ka pa niya ulit after mo siya hiniya ng ganu’n.”

Pinuri rin ni Kris ang magandang katawan ni Erich at inusisa kung paano na-achieve. Nu’ng huling makita raw niya ang dalaga ay sobrang payat kaya nagulat siya sa pelikula na physically fit na ito.

“’Pag may isang bagay tayong gusto pinaghihirapan talaga, nag-work out po talaga ako, talagang disiplina sa pagkain, healthy talaga, protein diet ako, chicken, salad kaya papanindigan ko na nitong 2018 talaga,” kuwento ng dalaga.

“Kaya nga hindi ko na lang inaway ‘yung mga nagsabing photoshopped lang ‘yung calendar ni Erich sa Tanduay kasi I saw the raw footage, I saw the shots because ‘yung stylist niya, stylist ko rin so they have the raw shots and I saw na rin, oh hello?” sey ni Kris.

Maging ang karakter ni Jericho Rosales sa pelikula ay nagustuhan ni Kris.

“This movie teaches you about humility kasi lahat tayo, we had our ‘yabang moments’ in our lives that we want to make up for and acknowledging kung kailan ka nagkamali and trying your best to make up for it. Na-impress ako kasi everybody acted so naturally, ikaw (Erich), si Jasmine (Curtis Smith), si Echo. Magaling si Direk Paul kasi nagawa niya in such a way that I didn’t feel your acting.”

Balik-tanong ni Erich sa Ate Kris niya, “Nadala sa Siargao? Gusto mong pumunta ro’n?

“No, I don’t want to go because I’ll drown, ha-ha-ha, magpakatotoo tayo, I cannot swim. Baka may magalit sa akin itulak ako dead na ako at lahat sila (sabay turo sa staff) wala nang jobs. Pero gandang-ganda talaga ako sa overall.

“Now naintindihan ko na why the word of mouth is so great and I just want to congratulate your entire team, lahat ng bumuo ng Siargao,” papuri ni Kris sa pelikulang number three na ngayon sa box office race sa Metro Manila Film Festival..

Ikaw, Bossing DMB, type mo pumunta ng Siargao?

(Lahat ng magagandang lugar sa bansa natin, gusto kong puntahan. –DMB)