Ni Genalyn D. Kabiling

Hindi pinipigilan ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Paolo o “Pulong” sa pagbibitiw bilang vice mayor ng Davao City.

Vice Mayor Paolo Duterte face the media on the first day of his office on Friday as Mayor Sara Duterte-Carpio is on leave until July 22. KEITH BACONGCO
Vice Mayor Paolo Duterte face the media on the first day of his office on Friday as Mayor Sara Duterte-Carpio is on leave until July 22. KEITH BACONGCO

“President Rodrigo Duterte has already accepted this afternoon the resignation of Davao City Vice Mayor Paolo Duterte,” sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ipinaabot ng anak ng Pangulo ang kanyang resignation nitong Disyembre 25, binanggit na dahilan ang drug smuggling controversy na nagdawit sa kanyang pangalan, at ang kanyang pakikipagtalo sa anak na si Isabelle. Sinabi niyang ito ay “unfortunate events” sa kanyang buhay na iniuugnay niya sa pagkabigo sa una niyang pag-aasawa.

Nagpahayag ng pasasalamat ang nakababatang Duterte sa suporta ng mga taga-Davao sa panahon ng kanyang panunungkulan.

“I look forward to the day that I will be able to serve our country again,” aniya.

Una nang nilinaw ng Pangulo na hindi niya pinagbitiw ang kanyang anak, sinabing dapat nitong gawin kung ano ang tama.