SALUBUNGIN ang Bagong Taon sa nakakaantig na kuwento ng isang dalaga na may tatlong ina na magpapatunay na hindi lamang sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya matatagpuan ang pagmahahal na inaasam ng isang anak ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.
Hindi man pinalad magkaroon ng buong pamilya, lumaki naman si Gelai (Michelle Vito) sa piling ng tunay na inang si Gigi (Andrea del Rosario) at dalawang tiyahing sina Linda (Shamaine Buencamino) at Rose (Alma Moreno). Dahil malayo ang pinagtatrabahuhan, madalas iwanan si Gelai sa kanyang mga tiyahin na mas naging malapit sa kanila.
Ngunit sa kabila ng tatlong inang nagmamahal, hindi pa rin ito naging sapat sa dalaga. Simula nang tumungtong ng high school, natuto na siyang lumiban sa klase at pinabayaan ang pag-aaral. Lumubha pa ang sitwasyon nang nagkaroon siya ng nobyong nagmulat sa kanya sa masasamang bisyo.
Tuluyan na kayang napariwa ang buhay ni Gelai? Panoorin kung paano hinarap ng tatlong ina ang sitwasyon.
Makakasama rin sa upcoming episode sina Krystal Mejes, Trina Legaspi, Jef Gaitan, Karel Marquez, Ryle Santiago, Alex Diaz, Anjo Damiles, at Lilygem Yulores mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Nuel Naval.