Ni Fer Taboy

Labingwalong magkakaanak ang nalason umano makaraang kumain ng halo-halo sa Datu Paglas, Maguindanao, iniulat kahapon.

Ayon sa report na tinanggap ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), nakilala ang mga biktimang sina Burgo Pailan, Noraisa Pailan, Wahid Pailan, Norsalam Pailan, Mohamad Pailan, Datumanaot Pailan, Baifara Pailan, Lagabai Lamalan, Aida Padao, Mohamad Padao, Mohasir Padao, Adil Kanakan, Alonto Kanakan, Norhaima Kanakan, Norhamin Dimaloloy, Nasrullah Dimaloloy, Nasrullah Bantas, at Kutin Duko, pawang taga-Barangay Manindolo, Datu Paglas.

Batay sa ulat ng pulisya, Enero 1 nang magtipun-tipon ang magkakamag-anak an biktima upang kumain ng halo-halo na gawa ni Noraisa Pailan, at gawa sa prutas, gatas at yelo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Subalit makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ng sobrang sakit ng tiyan, nagsusuka, at nagtae ang mga biktima.

Kaagad na isinugod sa Erus Hospital sa Datu Paglas at sa Almerante Clinic sa Tulunan, North Cotabato ang mga biktima at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Isasailalim sa laboratory test ang halo-halo na kinain ng mga biktima.