Ni PNA

PANAHON na para maghinay-hinay naman sa pagkain.

Makaraang kumain ng hamon, queso de bola, pasta, cake at iba pang pinagsalu-saluhan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, bigyan ng preno ang katawan sa pagkain sa pamamagitan ng pagkonsumo ng masusustansiya, at pag-eehersisyo.

“And going on a fast,” mungkahi ni Department of Health Undersecretary Gerardo Bayugo sa panayam ng media nitong Miyerkules.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa pamamagitan ng pag-aayuno, nabibigyan ng pagkakataon ang digestive system ng tao na magpahinga at makabalik sa dati mula sa pagkain ng marami sa kabi-kabilang handaan nitong magkasunod na okasyon, ayon kay Bayugo.

Ang pag-aayuno ng isang linggo ay magandang panimula, aniya, at sinabing ang mga payo ay mula sa obserbasyon ng Department of Health sa pagdami ng kaso ng alta-presyon at atake sa puso tuwing ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Bayugo na habang wala pang aktuwal na bilang ang kagawaran, ang “anecdotal statements” na ginawa ng mga doktor at ospital na kanilang binista ay nagpakita na karamihan sa mga isinusugod sa ospital o sumasailalim sa konsultasyon ay dahil sa sobrang pagkain noong bakasyon.

“Many are saying, especially private practitioners, that there is a rise in the number of people who are making consultations, as well as cases of stroke, during the holiday season,” sabi ni Bayugo.

“Maghinay-hinay na tayo para ‘di tayo masama sa mga statistics,” sabi ng undersecretary ng Department of Health.