HOUSTON (AP) – Tulad nang nakagawian, umarangkada ang Golden State Warriors sa third quarter at nagpakatatag sa krusyal na sandali para pabagsakin ang Houston Rockets, 124-114, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Toyota Center.

Naghabol ang Warriors, sumabak na wala si Kevin Durant (calf strain), sa siyam na puntos sa second quarter bunsod nang matikas na opensa ni Eric Gordon na kumana ng 17 puntos sa halftime.

Ngunit, nagawang makabawi ng Warriors sa pagsisimula ng third period at naibaba ang 16-1 hanggang sa kalagitnaan ng fourth period para makuha ang 10 puntos na kalamangan, 101-91, may siyam na minuto ang nalalabi.

Nanindigan ang Rockets, ngunit nag-init ang opensa nina Stephen Curry at Klay Thompson para mapanatili ang double digits na bentahe. Naisalpak ni Curry ang anim na sa 9-3 blitz sa krusyal na sandali para selyuhan ang panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagsalansan si Curry ng 29 puntos, habang kumana si Thompson ng 28 puntos. Nagsosyo ang ‘Splash Brothers’ sa 10-out-13 triples para sa ikatlong sunod na panalo at mahila ang karta sa 31-8.

Nagtumpok si Draymond Green 17 puntos, 14 rebounds at 10 assists.

Nanguna si Gordon sa Rockets (27-10) na may game-high 30 puntos.