Ni LITO MAÑAGO

KABILANG si Maine Mendoza sa pinarangalan bilang recipient ng German Moreno Youth Achievement Awards sa nakaraang FAMAS Awards 2017.

Maine copy

Ang male counterpart ng Dubsmash Queen ay ang aktor ng teleseryeng The One That Got Away (TOTGA), pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe na mapanood sa January 15 sa GMA Network, kapalit ng magtatapos na My Korean Jagiya nina Heart Evangelista, Alexander Lee at Edgar Allan Guzman.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

At any rate, balik-Eat Bulaga na ulit ang other half ng Aldub love team at favorite leading lady ni Alden Richards pagkatapos ng halos isang buwang bakasyon sa Amerika.

Samantala, isang cancer warrior na may handle name na @imjessiebarrios ang humingi ng tulong kay Menggay sa pamamagitan ng Twitter.

Sabi nito, “Hi @mainedcm! Birthday ko po ngayon (December 30), wish ko lang i-share niyo sana tong tweet ko para makapag-raise ako fund for my bone marrow transplant. maraming salamat po! Godbless.”

Agad naman itong tinugunan ng co-host nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa segment na Juan for All, All for Juan.

“Let’s help Jessie! Salamat in advance sa iba pang tutulong!” tweet ni Maine sa kanyang official at verified account.

Sa unang silip namin sa medical fundraising page na gogetfunding.com kung saan makikita ang Help Me Fund My Bone Marrow Transplant, nasa one percent funded pa lang ito.

Pagkatapos ng tweet ni Maine, pumalo na ito sa two per cent at ang raised online ay umabot na sa P63,000 at P168,520 na ang total nito as of press time. Meron na rin itong 58 backers o donors.

Ang pasyente ay nangangailangan ng humigit-kumulang sa P4M o $60,000 to $80,000 para sa isasagawang bone marrow transplant.

Isang malaking tulong ang panawagan ni Maine sa Twitter, hindi lang sa kanyang mga follower kundi sa mga taong gustong i-share ang kanilang blessings sa mga taong nangangailangan katulad ni Jessie o Jiselle Raquem ng Muntinlupa City.

Agad namang nagpasalamat si Jessie/Jiselle kay Maine, aniya, “Maraming salamat @mainedcm! Sobrang laking tulong ng nagawa mo! Maraming salamat din po sa ALDUBNATION! Sana i-bless kayo lalo ni Lord sa kabutihan ng loob niyo...”

Ang campaign ni Jessie sa gogetfunding ay patuloy pa ring ibinabahagi ng ADN sa social media.