NEW YORK (AP) – Hindi si LeBron o maging si Stephen Curry ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa unang bilangan ng ‘fan votes’ para sa NBA All-Star Game 2018 na itinataguyod ng Verizon.

Sumirit sa ibabaw si Giannis Antetokounmpo, tinaguriang ‘Greek Freak’ ng Milwaukee Bucks sa natanggap na 863,416 boto para lagpasan si Cleveland Cavaliers’ LeBron James (856,080) o 7,336 votes para sa No.1 sa Eastern Conference.

Sa Western Conference, nanguna si Golden State Warriors’ Kevin Durant (767,402) votes kasunod ang kasanggang si Stephen Curry (735,115) o 32,287 boto.

Gaganapin ang 67th NBA All-Star Game sa Pebrero 18 (Pebrero 19 sa Manila) sa Staples Center sa Los Angeles.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakabuntot kina Antetokounmpo at James, 13-time All-Star, sa Eastern Conference frontcourt sina Joel Embiid ng hiladelphia 76ers (433,161) at Kristaps Porzingis ng New York Knicks (359,459). Nangunguna sa point guard position sina Kyrie Irving ng Boston Celtics (802,834) kasunod sina three-time All-Star DeMar DeRozan ng Toronto Raptors (259,368) at Victor Oladipo ng Indiana Pacers (251,886).

Sinamahan naman si Durant, reigning Finals MVP, sa West frontcourt sina New Orleans Pelicans at 2017 NBA All-Star Game MVP Anthony Davis (393,000) at three-time All-Star DeMarcus Cousins (356,340), kasunod nina Warriors’ Draymond Green (325,612)

Sa West guards, nakasunod kay Curry sina Houston Rockets’ James Harden (602,040) at reigning Kia NBA MVP Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder (438,469).

Sa ilalim ng bagong format, pipiliin ang line-up ng koponan ng dalawang tatayong team captain

Samantala, makakasama ang mga boto ng NBA players at basketball media sa pagpili ng All-Star Game starters. Kabuuang 50 porsiyento ang sakop ng fan votes, habang 25 percent ang players at media panel.

Ang susunod na bilangan sa boto ay sa Enero 11. Ang huling araw para sa pagboto ay sa Enero 15.