Ni Rommel P. Tabbad

Tuluyan nang sinibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno dahil sa umano' y maanomalyang equipment rentals noong 2009 at 2010.

Nagawang i-dismiss sa serbisyo si Moreno sa kasong graft makaraang masangkot ito, kasama ang tatlo pa nitong department head, sa umano'y iregularidad sa kontrata sa pag-upa ng mga equipment na hindi umano dumaan sa public bidding.

Bukod kay Moreno, napatunayan ding guilty sa grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service sina Elmer Wabe, dating acting provincial budget officer; Patrick Gabutina, dating provincial administrator; at Rolando Pacuribot, dating assistant provincial engineer ng Misamis Oriental.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang dismissal order ng Ombudsman ay batay na rin sa iniharap na reklamo ni Engr. Antonio Nuñez, Jr.

Nangyari ang maanomalyang transaksiyon noong gobernador pa ng Misamis Oriental si Moreno, taong 2009 at 2010.

Depensa naman ng abogado ni Moreno, naglabas na ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals sa Mindanao noong nakaraang taon, laban sa naunang dismissal na inilabas ng Ombudsman laban sa alkalde sa kaparehong kaso.