Ni Rommel P. Tabbad

Binabantayan pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sitwasyon ng Mount Kanlaon dahil sa halos 200 pagyanig na naitala sa paligid nito.

Sa naturang bilang ng pagyanig, 14 ang tumagal ng dalawang minuto hanggang kalahating oras, at naitala sa nakalipas na 24 na oras.

Namataan din ng Phivolcs ang puting usok na lumalabas sa crater ng bulkan.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Napansin din ng ahensiya ang ground deformation ng bulkan, na palatandaan umanong patuloy pa rin ito sa pag-aalburoto.

Isinailalim pa rin ng Phivolcs sa level 2 ang alert status ng bulkan, lalo dahil nakapagtala na ito ng ash eruption noong nakaraang taon.