Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Patawirin ngayon sa ospital ang presidente ng isang tricycle operators’ and drivers’ association (TODA) matapos paghahatawin ng tubo sa ulo ng kanyang mga kasapi sa grupo, sa Zone 4, Barangay San Isidro, Tarlac City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Silvino Batenga IV ang biktimang si Romeo Tamina, 48, may asawa, habang ang suspek naman ay si Danny Castro, alyas “Daning Bungi”, 48, ng nabanggit na lugar.

Napag-alaman na nagkaroon umano ng inggitan ang dalawa sa terminal ng tricycle hanggang sa kumprontahin ni Castro ang biktima na nauwi sa panghahataw nito ng tubo kay Tamina.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinaghahanap na ngayon si Castro, na mahaharap sa frustrated homicide.