Ni JIMI ESCALA

NAKAKUWENTUHAN namin ang isang kaibigang tagahanga na malapit kay Nora Aunor at ibinida niya na tahimik pero masayang ipinagdiwang ng premyadong aktres ang Kapaskuhan.

NORA copy

Ayon pa sa source namin, nagkaroon daw ng pagkakataon ang superstar na bumati sa mga mahal sa buhay at siyempre kasama na roon ang malalapit na tagahanga na hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang pagmamahal sa aktres.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Ikinuwento rin sa amin na pinaplano raw ngayon ni Nora na magretiro na sa showbiz at malamang daw na umuwi sa hometown niya sa Iriga City at doon na manirahan.

May properties pa rin naman daw si Nora sa Bicol na maraming taon ding napabayaan at malamang na ito raw ang aayusin ng aktres.

May mga ugong pang maaaring pasukin muli ni Nora Aunor ang pulitika. May kumakausap daw sa aktres na tumakbo sa isang lokal na posisyon sa darating na 2019 elections.