Ni Lyka Manalo

LIPA CITY, Batangas - Hindi nakayanan ng isang 47-anyos na binata ang pag-iwan sa kanya ng kasintahan na nagbunsod umano upang magpakamatay siya sa Lipa City, Batangas, noong Martes.

Natagpuan ng pamangkin na nakabitin sa kisame si Michael Dimaano, construction worker, at residente ng Barangay Bugtong na Pulo sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:20 ng umaga nang matagpuan si Dimaano na nakabigti ng nylon cord sa kisame ng kusina.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upan ang biktima!

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na nagtangka na rin umanong magpakamatay ang biktima sa nakalipas na mga araw dahil sa pag-iwan dito ng kasintahan, ayon sa mga kaanak.