Ni NITZ MIRALLES

NADAMAY pati ang pelikula ng Regal Entertainment na Mama’s Girl sa ipinost ni Diego Loyzaga, isa sa mga bida ng pelikula, na nude photo niya sa IG story na dinelete din naman kalaunan.

DIEGO copy copy

Showing sa January 17 ang Mama’s Girl at inakala ng netizens na promo ng movie ang paglalantad ni Diego ng hubo’t hubad niyang katawan. Pero wholesome movie ang Mama’s Girl, kaya hindi kailangan ni Diego na mag-post ng kanyang nude photo. Parang taliwas sa concept ng pelikula na may maghuhubad sa cast.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Saka hindi si Diego ang pinakabida Mama’s Girl, kundi sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres. Nai-launch na ang official trailer ng movie noong December 30, 2017 sa Facebook.

Dahil sa ginawa ni Diego, tiyak na matatanong siya tungkol dito sa presscon ng pelikula. Hintayin natin kung paano niya sasagutin ang tanong at kung totoong ginawa niya ‘yun para sa publisidad ng pelikula.

Binisita namin ang Instagram account ni Diego, pero wala pang nagtatanong sa kanya tungkol dito. Kung sabagay, wala na rin silang itatanong dahil deleted na ang litrato.