Ni JUN FABON

TINATAYANG umaabot sa P1.5 milyong ari–arian ang tinupok ng apoy sa nasunog na bahay ni Freddie Aguilar sa Brgy. North Fairview, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Aguilar shows a guitar he was able to save when a fire, which started from his music room, broke out and razed more than 70 percent of his P15-million home in Quezon City late Tuesday. ( Jun Ryan Arañas )
Aguilar shows a guitar he was able to save when a fire, which started from his music room, broke out and razed more than 70 percent of his P15-million home in Quezon City late Tuesday. ( Jun Ryan Arañas )

Batay sa report ni QC Fire Marshall Sr. Supt. Manuel M. Manuel, bandang alas-11:04 ng gabi nang magsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay ng original Filipino music icon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon kay F/Chief Insp. Rosendo Cabillan, nagsimula ang sunog sa music room sa unang palapag ng bahay. Aniya, umapoy ang kisame ng music room ng singer-songwriter sa ground floor at umabot sa unang alarma sa ganap na 11:15 ng gabi.

Sa panayam sa radyo sa anak ni Freddie na si Jeriko, nasa loob siya ng music room nang marinig niya ang tila nasusunog at nakitang umaapoy ang kisame.

Agad niyang sinabihan ang asawa ng kanyang ama na si Jovie, na nasa ikalawang palapag ng kanilang two-story house kasama ang kanyang ina.

Hindi nakababa ang dalawa dahil sa makapal na usok kaya nagtungo ang mga ito sa balkonahe, umakyat doon patungong bubong, at tumawid sa bubong ng kanilang kapitbahay kaya ligtas na nakatakas sa nasusunog na bahay.

Agad namang nakaresponde sina Fireman Chief Insp. Cabillan, FO3 Derrick Caranto at mga pamatay-sunog at makalipas ang kalahating oras ay naapula ang apoy na umabot sa second alarm.

Napag–alaman pa na dahil sa faulty wiring sa music room ay maaaring ng overload ang mga kuryente na nagkaroon short circuit kaya sumiklab at mabilis na kumalat sa first floor.

Tumagal ang sunog ng 30 minuto at natupok ang 70 porsiyento ng bahay ng beteranong musikero bago tuluyang naapula, dakong 11:38 ng gabi.

“The fruits of my labor, my records, CDs, bestseller albums, they were all burned down, but its okay, at least there is no life lost,” sabi ni Aguilar na nasa bar sa Tomas Morato nang maganap ang sunog.

Nagpasalamat din si Ka Freddie na naisalba ang isang gitara na siyang nagdala sa kanya sa tagumpay sa larangan ng musika.