Ni NITZ MIRALLES

IKATUTUWA ni Glaiza de Castro ang comments ng mga nakapanood ng teaser ng Contessa na bagay sa primetime ng GMA-7 ang pinagbibidahan niyang daytime program.

GLAIZA copy

Teaser pa lang ang ipinapakita, pero naniniwala na ang Kapuso viewers na maganda ang soap, kaya may comments sila na sana ay sa primetime ito ilagay ng network.

Mga Pagdiriwang

World Mental Health Day: Ano nga ba pinagkaiba ng Anxiety, Stress at Depression?

Bukod kay Glaiza at sa ibang cast na kinabibilangan nina Gabby Eigenmann, Lauren Young, Geoff Eigenmann, Jak Roberto, Leandro Baldemor, ang director nilang si Albert Langitan ang isa sa mga rason kung bakit alam na agad na maghi-hit ang Contessa.

Mahusay na director si Direk Albert. Sa katunayan, hanggang ngayon ay naaala pa ng Kapuso viewers ang Rhodora X at ang Impostora na siya rin ang namahala.

Challenge kay Glaiza na ang Contessa ang ipapalit sa Ika-6 Na Utos, ang top daytime program na aabot na sa mahigit isang taon ang airing dahil very successful.

Anyway, habang hindi pa busy sa taping ng Contessa, nagbakasyon muna si Glaiza at ang kanyang pamilya sa South Korea. Sa South Korea sinalubong nina Glaiza ang Bagong Taon na ibang-iba raw ang selebrasyon ng New Year, minus the putukan.