ayo copy

Ni Marivic Awitan

PORMAL nang kinumpirma ni collegiate coach Aldin Ayo ang pagalis sa La Salle.

Sa kanyang social media account, binasag ni Ayo ang ilang linggong pananahimik hingil sa paglipat niya sa University of Santo Tomas at ibinigay na dahilan sa kanyang pag-ober da bakod ang hindi pagkakapareho ng pananaw sa DLSU management.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Much gratitude to Boss ECJ (Eduardo Cojuangco), the Managers, School Heads, the De Salle community, all of the Green Archers fans,” mensahe ni Ayo sa kanyang Twitter account. “The two years I have spent with the Archers are two well-spent indeed.”

“We have different views in handling the team. I’ve always done what is necessary,” sambit ni Ayo.

Nabigo si Ayo na magabayan ang La Salle sa ikalawang sunod na kampeonato nang gapiin ng Ateneo Blue Eagles sa nakalipas na UAAP Championship.

Dalawang season na minanduhan ni Ayo ang La Salle matapos gabayan ang Letran Knights sa NCAA title noong 2015. Sa kanyang paglisan, kasama niyang umalis si foreign-player Ben Mbala na pumirma ng kontrata sa pro league sa Mexico.

Ipinaliwanag ni Ayo ang dahilan nang kanyang naunang pananahimik tungkol sa isyu.

“The reason why I kept mum is because of an agreement not to disclose any information before the 1st week of January or until the school makes its official statement. I am only breaking my silence since the news has come out earlier than expected and only after getting permission,” aniya.

Wala namang pormal na pahayag ang La Salle at UST hingil sa naturang usapin.