Ni Martin A. Sadongdong

“Natakot po. Naisip ko ‘yung mga anak ko na maliliit pa. Akala ko... (katapusan ko na).”

Ito ang nasa isip ng 30-anyos na si Jho-an Jabagat, ang guwardiya na naka-duty nang atakehin ng apat na magnanakaw ang The Manor Mabuhay Hotel sa Pasay City nitong Martes.

Ayon kay Jabagat, na pitong taon ng night duty officer ng hotel, ang pag-iisip sa kanyang mga anak, na edad pito at isa, ang bumuhay sa kanya. Nagtungo siya kahapon sa investigation unit ng Pasay City Police upang tulungan ang awtoridad na makilala ang isa sa apat na magnanakaw.

Politics

Congressmeow, 'di raw pipirma sa panibagong impeachment case laban kay VP Sara

Kinumpirma ng guwardiya na isa sa apat na suspek ay walang face masks kaya medyo naaalala niya ang mukha nito. Ito rin umano ang suspek na kumuha sa kanyang baril at nagtulak sa kanya sa lobby sa paggalugad ng mga suspek para sa vault.

Taliwas sa mga unang ulat, sinabi ni Jabagat na hindi nahanap ng mga suspek ang vault ng hotel at tanging P53,000 kita ng hotel sa cash register ang nakulimbat ng mga ito.

Sinabi ng pulis na ang vault ay naglalaman ng mahigit P500,000.

Sa kabuuan, tinangay ng mga suspek ang mga gadget, alahas, ATM at bank cards, at iba pang mahahalagang gamit ng mga guest at ng tatlong empleyado, na nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon.

Samantala, sinabi ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. na posibleng ang pamunuan ng hotel “may have committed security lapses” sa insidente.